Dati ako lang lagi mo kasama at inaasahan. Pero ngayon hindi na. Iba na yung kasama mo eh. Masakit pa dun ako pa dahilan kung bakit kayo nagkakilala. So sad.
Kahapon nanood ako ng We Can Make It. Nandun ako sa likod. Sa part na wala masyadong tao. Sabi ko sa sarili ko, gusto ko makita man lang yung event kahit papano, kahit di ko matapos, at para makita ka, kayo, kahit sandali lang.
Nakita nga kita. Kaso kasama mo siya. Dapat lalapitan kita eh, kaso di ko kaya. Di ko alam anong sasabihin ko. Di ko alam kung anong gagawin ko. Tsaka kung sa malayo palang na nakikita kita nasasaktan na ko, pano pa pag lumapit ako? Kaya ayun, nanatili nalang ako sa likod, tinitignan ka, kayo.
Nagtext pa nga ko sayo eh, di ko alam kung nakita o nabasa mo. Ni di ko rin naman kasi alam kung yun ba talaga number mo. Pano, ang tagal na mula nung huli tayo nagkatext o nagusap sa phone. Namimiss ko lang yung dati. Nakakalungkot. Grabe.
Sabi ko na nga ba eh. Dapat di ko tinanggap yung alok mo sakin dati eh. Ito kasi yung ayaw ko. Yung mapapalitan ako ng iba. Kontento naman na ko dati sa pagiging EA eh. Yan tuloy ganito pa nangyari.
Ewan ko ba bakit ganito yung feeling pero nasasaktan ako. Naaalala ko pa kasi yung sinabi mo na “wag mo iwan ang CASA.” Pero bakit ganun yung pakiramdam ko? Parang ako yung naiwan. Ang sakit lang talaga. SOBRA.
Habang nakaupo ako sa likod ng auditorium, gusto kito tawagin pero wala naman akong sasabihin kaya nanahimik nalang ako. Tapos naramdaman ko nalang na namamasa yung mga mata ko. Naiiyak na ko. Ang hirap magpigil. Buti nalang dun ako umupo, dun sa lugar na walang makakakita. Dun sa lugar na kitang kita kita, kasama siya, pero ako di mo nakikita. Invisible.
Invisible nga ba talaga ako para sayo? Ewan ko kung OA lang ako pero pakiramdam ko mas pinapahalagahan mo siya kesa sakin eh. Masakit lang.
Inaalala ko yung dati, yung ako lang yung nandyan. Tuwang tuwa ka pa nun sakin eh. Para naging mas maganda pa yung ganun dati eh kesa ngayon. Andami ko naging kahati sa atensyon mo, sa oras mo, sa yo. Tapos yun na nga, lahat ng mga ginagawa natin dati magkasama, siya na yung kasama mo. Ang sakit lang.
Gusto ko na lumabas ng auditorium, dahil din sa may lakad pa ko. Patayo na sana ako, pero bigla kong pinigilan sarili ko. Sabi ko “5 minutes pa, baka mapansin niya ko eh, o baka magkaron na ko ng lakas ng loob para kausapin ka.”
Tinigtignan lang kita mula sa kinauupuan ko. Di na nga ko nanonood ng program eh.
Lumipas yung 5 minutes. Walang nangyari.
May oras pa ko…“5 minutes pa, last na to.”
Lumipas yung oras…wala talaga nangyari.
Naiiyak na talaga ako eh. Di ko na kinaya. Gusto ko pa sana manatili dun pero kelangan ko na umalis. Kaya naman tumayo na ko sa kinauupuan ko tapos daredarecho akong lumabas sa auditorium. Buti napigilan ko sarili ko.
At dun, iniwan na kita, kasama siya.
—————————————————
Alam ko naman na di mo to mababasa pero sana makarating to sayo.
Di ko kasi alam kung pano ko sasabihin lahat ng to sayo eh.
Nakakalungkot.
Miss na miss na kita.
Sana ako nalang forever mong EA.
OO. Nagseselos ako sa bago mong EA.
Mr.President RAMjr.